Friday, September 26, 2014

PRINSIPE NG MAKATANG PILIPINO


PRINSIPE NG MAKATANG PILIPINO

Si Francisco Baltazar (Abril 21788Pebrero 201862), mas kilala bilang Francisco Balagtas, ay tinuturing bilang isa sa mga magagaling na Pilipinong manunulat.Florante at Laura ang kanyang pinakakilalang obra maestra.

Talambuhay ni Balagtas

Unang mga taon

Si Francisco Balagtas Baltazar ay ipinanganak noong Abril 2, 1788 sa Panginay, Bigaa (ngayon ay Balagtas), Bulacan. Tinatawag rin siyang Kiko at Balagtas. Ang mga magulang niya ay sina Juana dela Cruz at Juan Baltazar at ang mga kapatid rin niya ay sina Felipe, Concha at Nicolasa.11 taong gulang noong lumuwas ng Maynila,upang makahanap ng trabaho at makapag-aral. Pumasok siya una sa paaralang parokyal sa Bigaa, kung saan siya'y tinuruan tungkol sa relihiyon Sunod, naging katulong siya ni Donya Trinidad upang makapagpatuloy siya ng kolehiyo sa Colegio de San Jose sa Maynila. Pagkatapos, nag-aral naman siya sa Colegio de San Juan de Letran at naging guro niya si Padre Mariano Pilapil.

Buhay bilang isang manunulat

Taong 1835 nang manirahan si Kiko sa PandacanMaynila. Dito niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. Ang marilag na dalaga ang nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ang tinawag na "Selya" at tinaguriang M.A.R. ni Balagtas sa kanyang tulang Florante at Laura. Naging karibal niya si Mariano "Nanong" Capule sa panliligaw kay Selya, isang taong ubod ng yaman at malakas sa pamahalaan. Dahil sa ginawa niya sa pagligaw kay Selya, ipinakulong siya ni Nanong Capule para hindi na siya muling makita ni Selya. Habang nasa kulungan siya, pinakasalan ni Nanong Capule si Selya kahit walang pag-ibig nadarama si Selya para kay Nanong Capule. Doon sa kulungan, isinulat niya ang Florante at Laura para kay Selya. Noong 1838, nakalaya na siya sa kulungan at pumunta na siya sa Udyong, Bataan. Doon, nagkaroon siya ng labing-isang anak kay Juana Tiambeng.Isinulat niya ang Florante at Laura sa papel ng De Arroz.

Huling mga araw

Nabilanggong muli si Kiko sa sumbong ng isang katulong na babae ng mayamang si Alferez Lucas sa di umano'y pagpanot sa buhok niya. Nakalaya siya noong 1861. Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng mga komedya, awit at korido nang siya ay lumaya. Namayapa siya sa piling ng kanyang asawa, Juana Tiambeng at ang mga anak noong Pebrero 20, 1862 sa gulang na 74, dahil sa sakit na pulmonya at dahil narin sa kanyang katandaan.

Ang kaniyang mga sinulat

  • Orosmán at\Zafira – isang komedya na may apat na bahagi
  • Don Nuño at Selinda – isang komedya na may tatlong bahagi
  • Auredato at Astrome – isang komedya na may tatlong bahagi
  • Clara Belmore – isang komedya na may tatlong bahagi
  • Abdol at Misereanan – isang komedya
  • Bayaceto at Dorslica – isang komedya a may tatlong bahagi,
  • Alamansor at Rosalinda – isang komedya
  • La India elegante y el negrito amante
  • Nudo gordeano
  • Rodolfo at Rosemonda
  • Mahomet at Constanza
  • Claus (isinalin sa Tagalog mula sa Latin)
  • Florante at Laura, isang awit ; pinaka-tanyag na gawa ni Balagtas


Thank you for viewing my blog. :) 


1 comment: